Nakahanda na ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng maging epekto ng bagyong Gener sa sektor ng pagsasaka.
Batay sa ulat ng DA, maaaring maapektuhan ang nasa 1.3 milyong ektarya ng standing crops sa CAR, Ilocos Region, Cagaya Valley, Central Luzon, at CALABARZON.
Kaugnay nito, nasa isang milyong ektarya ang may tanim na palay kung saan 46.11% ang nasa seedling at vegetative stage habang 13% naman ang nasa maturity stage na.
Samantala, nakikipapag-ugnayan na ang DA sa mga Local Government Units (LGUs) at sa mga lider ng magsasaka para sa posibleng epekto ng bagyo.