Iniimbestigahan na ang isang spa na nag-advertise umano na vaccinated na kontra mpox ang kanilang mga masahista.
Kasunod ito ng naging babala ng Department of Health (DOH) laban sa mga umano’y imported vaccine na nakapasok sa bansa nang walang sapat na regulation at proper handling mula sa FDA.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo, sinabi nitong mayroong isang spa sa Makati na nag-post sa kanilang public account hinggil dito.
Kung totoo mang bakuna ito laban sa mpox – maaari umanong malagay sa panganib ang mga nabakunahan lalo na’t wala itong sapat na guidelines mula sa mga otoridad.
Kwestyonable rin daw ang timeline dahil kung titingnan ang period ng bakuna – imposibleng fully-vacinated na sila dahil ‘di pa naman nakumpleto ang panahon para sa dosing reginmen nito.
VC_DOMINGO_SPA
Sa ngayon, ang tinitingnan nilang mga posibilidad ay maaaring false advertisement ito, ‘o ‘di kaya nama’y isang uri ng smuggling.
Ipauubaya naman na nila sa mga otoridad ang karampatang hakbang laban sa naturang spa.
Maaalalang bago ito, mayroon nang napasara na spa sa Quezon City at tumanggi ring makipagtulungan sa tracing.