Higit 200 hectares na sakahan, naserbisyuhan ng Free Tractor Services program ng So.Cot

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 256 na ektarya ng sakahan ang naserbisyuhan ng Free Tractor Services Program ng Office of the Provincial Agricultrist o OPAg South Cotabato. Ito ang inihayag ni Engineer Rey Biñas, Agriculturist II ng OPAg.

Ang Free Tractor Services ay bilang suporta sa Farm Mechanization program ng Department of Agriculture (DA) upang makamit ang food security at self-sufficiency program sa pamamagitan ng modern farm technologies.
Sa naturang programa, libreng pinapagamit ng provincial government ang mga traktora na may libreng krudo at tractor operator upang magtrabaho sa mga sakahan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ngunitayon kay Biñas na sa ngayon, pansamantalang inihinto ang programa dahil pinoproseso pa ang dagdag na pondo para sa fuel.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Plano din ng OPAg na dagdagan ang kasalukuyang tatlong traktora na kanilang ginagamit.
Samantala, hinihikayat nito ang mga farmers na gustong makabenepisyo sa Free Tractor Services na makipag-ugnayan sa kanilang mga municipal agricultures office para sa assessment at validation.