Higit 1M Japan-donated AstraZeneca COVID-19 shots, dumating na sa PH

Dumating na sa Pilipinas ang mahigit isang milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa British-Sweden drug firm AstraZeneca.

Ayon kay Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Eric Borje, kagabi nang dumating sa bansa ang flight kung saan lulan ang donated doses.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sinabi ng Malacañang na isa ito mula sa dalawang batches ng AstraZeneca COVID-10 vaccine na inaasahan ng bansa ngayong linggo.

Mabababatid na binigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Department of Health para tanggapin ang AstraZeneca vaccines mula sa Japan.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Maliban sa Pilipinas, nagdonate rin ang Japan ng bakuna sa ibang Asian nations gaya ng Vietnam, Taiwan, Thailand, at Malaysia. // MHEL PACIA-TRINIDAD