Habagat, walang epekto sa PH; ITCZ magdadala ng ulan sa Visayas, Mindanao

Bagama’t walang epekto ang southwest monsoon o habagat sa weather systems ng bansa, ang intertropical convergence zone (ITCZ) naman ay patuloy na magpapaulan sa Visayas at Mindanao.

Sa ulat ng Pagasa, lumalabas na ang cloud bands ay kumikilos sa Palawan at mga kalapit na probinsya sa Visayas, maging sa southern parts ng Mindanao.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ang maulap na kalangitan at isolated rains naman ay iiral sa naturang areas, habang ang thunderstorm activity ay maari ring mapansin sa mga lugar na apektado ng ITCZ.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Samantala, ang maaliwalas na kaulapan ay nasa northern Luzon sa gitna na inaasahan ng weather bureau ang monsoon break na magtatagal hanggang sa mga susunod na linggo.