Nangako si Japan Economic Minister Masahiro Nakata na tutulong ang kanilang bansa sa gobyerno ng Pilipinas kontra COVID-19.
Sa ginanap na turnover ceremony ng mahigit 1.12-million na AstraZeneca vaccine doses ay inihayag ni Nakata ang mensahe ni Japan Prime Minister Suga Yoshihide.
Sinabi ni Nakata na titiyakin ng Japan na patuloy itong magbabahagi ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Dagdag ng opisyal, ang nasabing inisyatibo ay malinaw na patunay sa malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sa wikang Tagalog naman ay sinabi ni Nakata na gagawin nila ang lahat upang malampasan ang mga pagsubok na dala ng pandemya kassama ang Pilipinas.
Pinasalamatan naman ng Japan ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na 24/7 na nagtrabaho para gawing posible ang paglipat ng bakuna.
Mababatid na ang donasyong 1.12-million doses ng AstraZeneca vaccine ng Japan ay bahagi ng mga inisyatibo nito na sumusuporta sa Southeast Asian countries sa gitna ng pandemya.