Groom nagkaroon ng amnesia isang araw pagkatapos ng kanyang kasal

Malaking pagsubok ang kinakaharap ngayon ng mag-asawang Jan at Loaren Campaner sa Zamboanga del Sur.

Ang kwento kasi ng kanilang buhay ay mala-kdrama na kung saan nagkaroon ng amnesia si Jan isang araw pagkatapos ng kanilang kasal.

Ayon kay Loaren noon pa man ay pangarap na niyang maikasal kay Jan sa simbahan.

Kaya araw-araw umanong ipinapaalala ni Loaren sa kanyang asawa na ikinasal silang dalawa, ipinapakita rin niya kay Jan ang mga ginamit nila sa kasal tulad ng kanyang wedding gown.

Sinabi ni Jan na wala talaga siyang maalala na pinakasalan niya si Loaren at hindi rin niya maalala na mayroon silang dalawang anak.

Ayon sa isang eksperto nagkaroon ng traumatic brain injury si Jan na nagdulot ng retrograde amnesia dahilan kaya hindi niya maalala ang mga nagdaang pangyayari.

Nakitaan din si Jan ng depresyon na nakakaapekto rin sa pagbabalik ng kaniyang alaala.

Kwento ni Loaren pagkatapos ng kanilang kasal ay nagkaroon ng pagtatalo ang kanilang mga kaanak na tila hindi na gustuhan ni Jan kaya sinaktan niya ang kanyang sarili.

Noon pa man ay hindi na umano pabor ang mga magulang ni Jan kay Beng dahil nagkaroon ito ng dating karelasyon.