Pinapaaresto ng International Court sina dating Russian Defense Minister Sergei Shoigu at Chief of the General Staff Valery Gerasimov

Inakusan sila ng ICC ng crime against humanity.
Ayon sa ICC ang dalawang ito ay responsable umano sa dalawang war crimes kabilang na ang pag-atake sa mga sibilyan at ang pagdulot ng labis na pinsala sa mga sibilyan.
Ang naturang warrant of arrest ay karagdagan lamang sa mga nauna nang inilabas ng ICC.