Graduation rites para sa mga miyembro ng LGBTQ+ community, isasagawa sa QC

Bilang bahagi ng mga espesyal na aktibidad sa pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng Quezon City, magsasagawa ang pamahalaang lunsod ng espesyal na ceremonial graduation na layong ipagdiwang ang karapatan ng mga mag-aaral na malayang magtapos at magmartsa na ayon sa kanilang sariling presentasyon.

Bukas ang programa para sa mga Miyembro ng LGBTQIA+ Community na 18 anyos pataas na residente ng QC o kung hindi man ay nagtapos sa paaralan na matatagpuan sa lungsod at nais na magmartsa base sa kanilang kasarian at nais na self-expression

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon sa QC LGU, kinikilala nila ang karapatan ng lahat anuman ang kanilang sexual orientation, gender identity, and gender expression (SOGIE).

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Para sa mga gustong dumalo, I-scan ang QR code o i-click ang link para magregister na matatagpuan sa facebook page ng pamahalaang lungsod.

Bukas ang registration hanggang June 7, 2024.