DICT, mag-aactivate ng 431 free wifi sites sa Sorsogon

Layunin ng Dept of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag at magkonekta ng karagdagang 500 libreng wi-fi sites sa umiiral na 2, 255 sites sa 830 lokasyon sa Bicol region sa pagtatapos ng taon at ang 431 dito ay sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay DICT regional director Rachel Ann Grabador, ang kanilang ahensya ay patuloy na magbibigay ng teknikal na tulong at serbisyo upang mapabuti ang digital connectivity at capacity development sa mga Bicolano.

Aniya, ang pagtatatag ng adisyunal na free wi-fi sites ay para sa paghahanda sa National Broadband Plan (NBP) 2.0 na mahalaga para sa digital transformation ng bansa dahil ito ay magsisilbing blueprint para sa pagpapabilis ng deployment ng fiber optic cables at wireless na teknilohiya upang mapahusay ang bilis ng internet.

Target ng DICT na makamit ang 300 mbps (megabits per second) average download internet speed at inaasahang maikonekta sa internet ang mahigit 70M Pilipino sa taong 2028.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *