Final net satisfaction rating nina Robredo at Sotto, bahagyang bumaba – SWS

Ibinahagi Social Weather Stations (SWS) na batay sa kanilang huling survey, pareho umanong bahagyang bumaba ang final net satisfaction rating nina dating Vice President Leni Robredo at dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, bago umalis ang mga ito sa pwesto,

Sa 46% ng mga adult Filipinos na satisfied sa performance ni Robredo at 38% unsatisfied, lumalabas naman sa latest survey na ang satisfaction rating ng dating pangalawang pangulo ay nananatiling “neutral,” sa final net satisfaction rating na +7.

Bumaba umano ito ng isang punto mula sa net satisfaction rating na +9 noong April of 2022, samantala ang kay Sotto ay nagtapos sa “very good” o +51 final net satisfaction rate, matapos na 66 percent ng mga respondents ang nagsabing kontento sila sa performance nito bilang Senate president, taliwas sa 15 percent na mga dissatisfied.

Pero ang net satisfaction rating ni Sotto ay bumaba ng apat na puntos mula sa +55 noong April 2022.

Samantala, tumaas naman ang kay House Speaker Alan Peter Cayetano, matapos na 38 percent ng mga Pilipino ang nagsabing sila ay satisfied sa performance nito, habang 21 percent ang dissatisfied.

Ang current satisfaction rating ng dating House Speaker ay +18, na maikokonisderang “moderate,” at mataas ng 11 points mula sa kanyang +7 rating noong April 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *