Aminado ang Bureau of Immigration (BI) na wala silang ideya sa kinaroroonan ngayon ng mahigit 40,000 na mga empleyado ng Philippine offshore gaming operators (Pogos), na nakatakdang ipapadeport ng gobyenro.
Pero sinabi naman ni BI Deputy Commissioner Fortunato Manahan Jr. na ang 40,000 figure ay estimate lang, mula sa tig- 200 workers sa bawat mahigit 200 Pogo firms na mayroong terminated licenses.
Sa pagdinig ng Senate committee on ways and means, inihayag ni Sen. Grace Poe, na may Pogo worker na nagsabi sa kanya na plano nitong manatili sa Pilipinas, dahil sa mataas na sahod mula sa mga Pogo firms.
Una nang sinabi ng Department of Justice na ipapadeport nila ang nasa 40,000 Chinese nationals na overstaying na sa Pilipinas, matapos na tanggalin na ang lisensya ng mga kompaniyang kanilang pinagtatrabahuan.
