Bukas pa rin umano si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na suportahan ang pagkakaroon ng executive session kay Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) senior vice president at retired Brig. Gen. Raul Villanueva.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Villanueva na mayroon umanong isang dating hepe ng Philippine National Police na binayaran si Alice Guo o Guo Hua Ping upang tulungan siyang makatakas sa bansa.
Ayon kay Senador Win Gatchalian, importanteng mapangalanan ito ni Villanueva dahil nakakapagdala na ito ng kahihiyan sa PNP at sinasabing may kaugnayan ito sa national security ng bansa.