Guo – negatibo sa TB

Nag-negatibo na si dismissed Bamban mayor Alice Guo sa sakit na tuberculosis.

Matatandaan kasing sa inisiyal na medical examination sa kaniya, lumabas na posibleng mayroon siyang left lung infection.

Ngayong hapon, sa inilabas na resulta ng BJMP – lumabas na wala siyang TB.

Nakatakdang ilipat si Guo sa regular cell kung saan makakasama niya ang 43 PDLS.

Una nang sinabi ng legal counsel ni Guo na si Atty. Nicole Jamilla, mula sa 75 kilos ay bumaba ang timbang nito sa 68 kilos.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ito’y dahil umano sa stress at kakulangan ng tulog ni Guo.

Bago ito – una nang nag-isyu ng “hold in abeyance” ang Pasig Regional Trial Court Branch 167 sa paglipat ni Guo sa Pasig City Jail.

Ito’y makaraang maghain ng “Very Urgent Motion” ang legal counsel ni Guo na manatili ito sa PNP sa Custodial Facility dahil sa umano’y kanyang security threat.

Naka-schedule ang pagdinig dito sa September 27.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, mananatili sa Pasig City Jail si Guo hangga’t walang inilalabas na utos ang korte.

Inaasahan din aniyang maghahain ng “manifestation” sa Pasig RTC ang Criminal Investigation and Detection Group para humingi ng paglilinaw kung kinakailangan pang ibalik sa kusotdiya ng PNP ang dating alkalde , “pending” ang pagdinig sa Biyernes.

Maaalalang kaninang umaga nang mailipat ng PNP sa kustodiya ng BJMP si Guo matapos ipag-utos ng korte dahil sa kasong Qualified Human Trafficking.