Mga walang RFID load, hindi pa pagmumultahin

Pinalawig pa ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapaliban sa paniningil ng multa sa mga motoristang walang Electronic Toll Collection (ETC) at kulang ang load sa kanilang mga RFID.

Sa press briefing sa Malacañang, inanunsyo ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sa halip na October 1, sa Enero na nila sisimulan ang paniningil ng multa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Maaalalang sa ilalim ng Joint Memorandum Circular 2024-001, pagmumultahin ng 1,000 ang motoristang walang RFID sticker para sa first offense, habang 500 naman ang multa sa unang paglabag ng mga motoristang kulang ang load sa RFID.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Ayon kay Bautista, kinokolekta pa nila ang mga inputs sa nakalipas na konsultasyon, kabilang ang profile ng mga violators. Gagamitin daw nila ang impormasyong ito para makagawa ng amendments sa Joint Memorandum Circular 2024-001.