DOTr, tiniyak na mabibigyan ng due process ang mga PUJs na ‘di magpapa-consolidate

Nilinaw ng LTFRB na hindi mamadaliin ang pagbili ng mga modernized jeepneys.

Sabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Teofilo Guadiz – mabibigyan pa ng tatlong taon o higit pa paga magkaroon ng e-jeeps ang mga tsuper.

Ito’y basta’t sasapi ang mga drivers o operators sa mga kooperatiba.

Aniya, ‘di naman kaagad ang transition, at puwedeng paunti-unti, ‘o pa-isa-isa ang pagbili ng mga bagong untis.

NO EXTENSION

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Baustista, siyam na beses na nilang in-exted ang deadline kaya dapat ay matuloy na talaga ang pagpapatupad nito.

Muling nilinaw ng kalihim na hindi naman kaagad aalisin ang mga lumang sasakyan, dahil aayusin lang nila ang operations ng mga grupo.

Kailangan daw kasi munang mag-consolidate para maging maayos ang management, dispatch system, at tamang maintenance.

Sa huli, pinaalalahanan ng opisyal na ang mga hindi nakapag-consolidate ay mawawalan na ng prangkisa matapos ang April 30.

DUE PROCESS

Maituturing naman daw ng Department of Transportation (DOTr) na ‘very good number’ ang bilang ng mga jeepney drivers and operators na nagpa-consolidate na.

Isang araw bago ang deadline ng franchice consolidation para sa PUV Modernization Program – sinabi Transportation Usec. Andy Ortega na umabot na sa halos 79% ang mga nagpa-consolidate para rito.

Malinaw daw itong indikasyon na majority ng mga tsuper at operators ay sasama sa consolidation.

Sa kabila nito – tiniya ng Transportation official na magkakaroon pa rin naman ng due process sa mga tsuper na magmamatigas na mag-consolidate.

Aniya, ‘di naman sila basta-basta matatanggalan ng prangkisa dahil bibigyan na muna sila ng show cause order, at pagpapaliwanagin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *