Umabot na sa higit 4.6M voters ang nai-register ng Commission on Elections (COMELEC) para sa May 2025 elections.
Mula sa bilang na ito, pinakamarami ang mula sa CALABARZON na may mahigit 780,000 na mga bagong botante.
Sinusundan ito ng National Capital Region, Central Luzon, Davao Region, at Central Visayas.
Mababatid na nagsimula ang registration period para sa May 2025 polls noong Pebrero, at magtatapos na ito sa September 30, 2024.
Maaaring magparehistro sa mga opisina ng COMELEC, o kaya naman ay sa Register Anywhere Program ng ahensya na nasa ilang mga malls at paaralan.