Pamilya ng mga biktimang inararo ng pick-up, naghain ng kaso

Naghain na ngayong araw ng kaso  sa piskalya  ang pamilya ng mga biktimang inararo ng Toyota Hi-lux Pick-up kahapon sa  Minante 1, Cauayan City.

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News Team kay Odilon Aquino, bayaw ng dalawa sa mga biktima, nag-usap na umano sila ng pamilya ng mga biktima na magsagawa ng amicable settlement.

Magsisilbing batayan aniya ng kanilang pamilya ang ihahain na kaso sakaling hindi sumunod sa kanilang kasunduan ang daryber ng pick-up.

Matatandaan na nasawi ang tatlong katao matapos na araruhin ng Toyota Hi-lux Pick up ang dalawang motorsiklo .

Una rito, Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Aurelio Cacot drayber ng Honda click 125 at angkas nitong si Richard Cacot, 18-anyos habang kinilala pa ang isang nasawi na si Eddie Martin, drayber ng TMX.

Ang naarestong drayber naman ng pick-up ay kinilalang si Kim Cacayan, 24-anyos.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na binabagtas ng motorsiklong minamaneho ni Aurelio at Martin ang pahilagang direksyon patungong Cauayan City habang pasalungat naman na direksyon ang pick-up.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay inaayos umano ng drayber ng pick-up ang kaniyang seatbelt nang aksidenteng na-okupa ang kabilang lane dahilan upang mabangga nito ang kasalubong ng dalawang sinle motorcycle.

Agad na idinala sa pagamutan ang mga biktima subalit idineklarang silang dead on arrival ng kanilang attending physician. |#BrigadaAccidentNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *