Tatlong silid-aralan sa Lal-lo, nasunog

Nasunog ang tatlong silid-aralan ng Bicud Elementary School sa bayan ng Lal-lo, Cagayan kahapon at isa sa mga tinitignang dahilan ay electrical short circuit.

Nagmula ang sunog sa computer room ng paaralan kung saan dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy, nadamay din ang isa pang classroom at storage room.

Tumulong din sa pag apula ng sunog ang mga kawani ng BFP Lasam at ang Munisipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Lasam.

Idineklara itong fireout alas kuwatro kuwatro ng hapon habang wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *