Matagal na raw humihingi ng diyalogo ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pamahalaan hinggil sa dagdag-sahod ng sektor ng mga manggagawa pero hindi ito nangyayari.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay TUCP Legislative Officer Paul Gajes, sinabi nitong hindi sila nakakukuha ng karampatang pansin mula sa gobyerno.
Dalawang labor day na rin aniya ang nakalipas na hindi sila hinaharap ni Pangulong Bongbong Marcos.
Mababatid na dismayado ang TUCP sa inaprubahang dagdag na P35 para sa sahod ng mga manggagawa sa private sector sa Metro Manila – bagay na sinasabi ni Gajes na kulang para matustusan ang pangangailangan sa pang-araw-araw.
Samantala, sinabi ni Gajes na bagsak ang rating nila para sa Department of Labor and Employment.
Binigyang-diin nito na hindi naman itinataas ng DOLE ang bandera ng mga manggagawang Pilipino.