DOH, pinagmumulta ang isang pribadong ospital na sangkot sa ‘palit-ulo scam’

Tatlumpung libong piso ang ipinataw na multa ng Department of Health laban sa ACE Medical Center, isang pribadong ospital sa Valenzuela City matapos ang mga reklamo kaugnay sa modus na Palit Ulo Scam.

Ayon sa DOH, ang multa ay para sa dalawa sa apat na reklamo sa pribadong ospital.

Read More:  Filipina files acts of lasciviousness complaint vs Russian Embassy staff

Base sa isinagawang pagsusuri ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau ng DOH, ang kaso nina Alvaro at Magtangob ay ibinasura dahil walang kapangyarihan ang ahensya na ipatupad ang Anti-Hospital Detention Law taliwas sa kaso nina Zafra at Ignacio.

Bagama’t iba-iba ang mga pangyayari sa apat na kaso, sabi ng DOH, pare-pareho lang ang alegasyon kung saan hindi pinapalabas o ilegal na kinukulong ang mga kamag-anak ng mga pasyente hanggang sa mabayaran ang mga natitirang balanse sa ospital.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, hindi nila kukunsintihin ang anumang administratibong paglabag ng healthcare institutions at patuloy na kikilos para masugpo ang Palit Ulo Scam.