4 na trabahador – patay nang ma-suffocate sa pagawaan ng patis sa Bulacan

Patay na nang madatnan sa loob ng fermentation pool ng isang pagawaan ng patis sa sa Obando, Bulacan ang apat na trabahador umanong ma-suffocate.

Ayon sa pulisya, posibleng nakalanghap ng kemikal ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Gumamit pa ng breathing apparatus ang rescue team habang isinasagawa ang retrieval operations dahil sa masangsang na amoy.

Base sa imbestigasyon, nasa apat na taon na raw na hindi nag-ooperate ang pagawaan kaya palaisipan ngayon kung bakit kailangan linisin ang fermentation pool.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung tunay bang non operational na ang pabrika.

Inaalam na rin kung posibleng may pananagutan ang may-ari, lalo na’t walang safety gear ang mga trabahador.