Makabayan solon, tinawag na circus ang eleksyon dahil sa plano ni Alice Guo na tumakbo muli bilang mayor

Inihambing ni Representative Raoul Manuel sa isang “circus” ang eleksyon sa Pilipinas matapos kumpirmahin ng kampo ni Alice Guo na muli itong tatakbo sa pagka-alkalde ng Bamban, Tarlac.

Sa kanyang post sa social media, hinimok ni Manuel ang mga awtoridad na bilisan na ang pag-usad ng mga kaso laban kay Guo upang maharang ang kanyang kandidatura.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Matapos aniya ang lahat ng pangyayari ay hindi na dapat humantong sa scenario na makatatakbo pa ang dismissed local chief executive.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Una nang kinumpirma ng legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David na target nito ang reelection bilang isang independent candidate.

Naghahanda na umano ang kampo ni Guo para sa paghahain ng certificate of candidacy bagama’t nakakulong siya sa Pasig City Jail.