DOH, pinabulaang pinapaboran ang Davao City re: Pfizer COVID vaccine

Pinabulaanan ng mga health officials ang alegasyong mas pinapaboran ang Davao City, na siyang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte, para sa mas maraming alokasyon ng Pfizer COVID vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Abdullah Dumama, head ng Field Implementation and Coordination Team sa Visayas at Mindanao, hindi niya batid ang mga basehan para sa naturang mga reklamo bilang ang ​Davao City at Cebu City ay parehong nakatanggap ng 210,000 Pfizer shots mula sa huling delivery ng COVAX na 2.27 million doses.

Paliwanag pa ni Dumama, nabigyan ng ganun bilang ang naturang mga lungsod dahil sila ay may capability para sa ultralow temperature freezers.

Nilinaw rin ng opisyal na ang mga bakuna na ipinadala sa Davao City ay gagamitin ng buong rehiyon, hindi lang para sa mga residente ng Davao City. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *