Iiiral ang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Western Visayas, Mindoro Provinces, Palawan, Cavite, Bataan, at Zambales.
Ayon sa Pagasa, ang southwest monsoon ang nakakaapekto sa naturang mga lugar.
Pinapayuhan ng weather agency ang mga residente na maghanda laban sa posibleng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas na ulan.
Ang ibang bahagi naman ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms.
Samantala, ang active tropical cyclone naman na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility ay huling namantaan sa 2,265 kilometers silangan ng Visayas na may maximum sustained winds na 55 km per hour at pagbugsong umaabot sa 70 kph.
Kumikilos naman ito pa-west northwest sa bilis na 20 kph. // MHEL PACIA-TRINIDAD