Nakikita ng Department of Health (DOH) na papalo ang daily COVID-19 cases sa Metro Manila sa 43,000 sa September 30, maliban na lamang kung paiigtingin umano ng national at local governments ang mga hakbang laban sa virus.
Ayon sa DOH, ginamit sa assumptions ang mobility, public health at healthcare capacities at system, at ang pagtugon ng publiko sa minimum public health standards (MPHS).
Binigyang diin ng ahensya ang naturang bilang ay ginamit para i-guide ang gobyerno na maayos na mapaghandaan ang pandemic response, lalo na’t may presensya ng mas nakakahawang Delta variant.

Dahil sa mataas na daily case projections, nanawagan ang departamento sa national government at sa mga LGUs na babaan ang interval sa pagitan ng case detection sa isolation, mahigpit na pagmonitor sa pagsunod ng publiko sa MPHS, at pagpapalakas sa vaccination coverage para mapababa ang daily cases s NCR.
Una nang sinabi ng independent expert group na OCTA Research na inaasahan nilang patuloy na tatataas ang mga bagong mkaso sa NCR.