76% na pagtaas sa kaso ng Delta variant noong Agosto dahil sa community transmission

Patuloy na tumataas ang mga kaso ng Delta variant ng covid-19 sa buong bansa.

Ayon kay Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma, nitong nakalipas na buwan ng Hulyo, naitala ang 48 percent ng delta variant cases mula sa kabuuang 2,582 na mga sample na isinailalim sa genome sequencing.

Nito naman aniyang buwan ng Agosto, 76 percent ang naitalang Delta cases mula sa samples na kanilang sinuri.

Sinabi ni Dr. Saloma na pinangangambahan nilang tataas pa ito sa mag susunod na araw dahil na rin sa community transmission.

Sa ngayon aniya ay ang National Capital Region at CALABARZON ang may pinakamaraming naitatalang kaso ng Delta variant.