2 bata biktima ng snatcher, mga cellphone tinangay sa Puerto Princesa.

Ibinahagi ng isang bata ang nangyaring panghahablot ng kanilang cellphone noong araw ng Lunes ng gabi sa bahagi ng Barangay San Manuel, Puerto Princesa City.

Ayon kay Jilian,  kasama niya ang kanyang pinsan na ginagamit ang kanilang cellphone nang dumating ang isang lalaki na bumili ng ice water at lumapit sa kanila, nakinood at biglang na lamang kinuha ang dalawang cellphone.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

sa bilis umano ng pangyayari ay agad silang tumakbo sa kanilang bahay at isinumbong sa kanilang mga magulang.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Base pa sa kwento ng biktima, hindi mag-isa ang suspek dahil umangkas ito sa isang motor na bago tumakas.

Samantala sinubukan pang habulin ang mga suspek ng mga kaanak ng mga biktima, subalit hindi na ito inabutan.