Binigyang-diin nga ni Health Secretary Ted Herbosa kahapon na mahihirapan ang mga nagtatrabahong nurse sa bansa, kung hindi pa rin matutugunan ang usapin kaugnay sa mas mataas na sahod sa abroad.
Dahil dito, isinusulong ni Herbosa ang pag-grant ng temporary licenses para tanggapin atmakapagtrabaho ang eligible nursing graduates sa government hospitals.

Ibinahagi ng opisyal na 4,500 plantilla items para sa mga nurse ang bakante sa higit 70 ospital ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.
Paliwanag ng DOH chief, ngayon pa lang ay tinututukan niya na ang issue dahil kung wala silang gagawin, nakikitang pagdating ng 3-5 taon ay mauubos na ang nurse sa bansa.
Kaugnay nito, sinasabi rin umano sa figures na mas maraming ang mga umaalis na mga nurse kaysa sa napo-produce ng bansa.
Sa huli, iginiit ni Herbosa na ang pagha-hire sa mga unlicensed nursing graduates ay pansamantalang solusyon lamang sa exodus problem, ngunit kung hindi aniya aaksyunan agad ito ay maaaaring mangyari ang krisis sa medical sector sa susunod na mga taon.