LEGAZPI CITY – Kuklungan ang bagsak ng 35 anyos na lalaki mula sa Bacacay, Albay na mayroong kinakaharap na kasong panggagahasa na may kinalaman sa pang-aabuso matapos itong mahuli ng mga otoridad sa Metro Manila.
Kinilala ang akusado na si alyas “Boyet”, residente ng nasabing bayan, ngunit kasalukuyang naninirahan sa #30 Marcelo St., Brgy. Malibay, Pasay City.
Ayon sa report, pinuntahan ng mga otoridad ang kinaroroonan ng akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest dahil sa nasabing kaso.
Nang marating na ang lugar, dito na natagpuan ang akusado.
Walang piyansang inirekomenda ang ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang akusado ay pansamantalang dinala sa QCPD Cubao Police Station para sa kaukulang disposisyon.