Koko, sinalag ang mungkahi ng DOH hinggil sa nurse shortage

Sinalag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mungkahing pagpapahintulot sa mga non-board passers na makapagsanay ng nursing at mabigyan ng temporary licenses.

Mariing sinabi ni Pimentel na ang root cause ng shortage ay kaugnay sa pag-aalis ng mga nurse sa bansa para humanap ng high-paying jobs abroad.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Giit nito, dapat tingnan ang sahod ng naturang sektor, at magbigay ng mas maraming incentives para hindi umalis na umalis pa ang mga nurse sa bansa upang magtrabaho at makapagsanay.

Maliban dito, dapat din aniyang manatili sa 75% ang passing grade sa mga nurse.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Dagdag pa nito, kailangang pagbutihin ang exam ng mga nurse, at matiyak na ang mga tanong ay susukat sa competence at kahandaan ng mga nursing examinee.

Mababatid na una nang sinabi ng Department of Health na ang mga nursing graduates na bigo sa boiard exam na may score na 70-74% ay maaaring magtrabaho sa government hospitals.