Diving operations, ikinasa na ng PCG para sa mga barkong nag-oil spill sa Bataan

Nagpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) para resolbahin ang oil spill na dulot ng mga barkong lumubog at sumadsad sa Bataan.

Sa kasalukuyan, apat na coast guard divers na ang nagkasa ang underwater inspection para sa MTKR Terranova.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Maliban dito ay nag-spray na rin ng dispersant sa metalic oil sheen na na-trap sa loob ng unang layer ng spill boom 400 meters south ng ground zero.

Nagpatrol naman ang coast guard sa MTKR Jason Bradley para tingnan ang mga trace ng oil spill sa Sitio Sibol, Barangay Mt. View, Mariveles, Bataan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Naka-preposition na rin ang oil spill boom para maiwasang lumalala ang pagkalat ng langis.

Samantala, sa MV Mirola 1 naman, nagsagawa na ng on-site preparation at diving operations para tingnan ang sitwasyon ng sumadsad na vessel.