DILG Secretary Abalos, PNP, kinasuhan umano ng KOJC dahil sa ikinasang raid noong Hunyo

Kinumpirma ni Interior Secretary Benhur Abalos na kinasuhan siya at ang Philippine National Police matapos ang ikinasang raid sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Sa budget briefing ng DILG at attached agencies nito sa House Committee on Appropriations, pinuna ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang manhunt operations ng PNP kay Apollo Quiboloy.

Ipinunto ni Manuel na kapag malalaking personalidad ay hirap na hirap ang mga awtoridad na arestuhin samantalang kapag ordinaryong tao ay napakadali at biktima pa umanon ng red-tagging.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Pero depensa ni Abalos, ginagawa na nila ang lahat at sa katunayan ay nademanda pa sila dahil sa ginawang raid.

Ginawa ang raid noong June 10 kung saan naglabas din ng arrest warrants ang mga awtoridad laban kay Quiboloy at sa ilang subordinates nito para sa kasong human trafficking at child at sexual abuse.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sasagutin aniya nila ang mga akusasyon ng KJC.

Mababatid na pinasok ng nasa isandaang pulis ang compound ng KJC sa Buhangin, Davao City upang magsilbi ng warrants of arrest laban kay Quiboloy at iba pang indibidwal.

Ngunit pumalag ang mga miyembro ng KJC at pinigilan silang pumasok sa compound.