North Korea, muling magbubukas para sa mga dayuhang turista sa Disyembre

Muling tatanggap ang North Korea ng mga turista simula sa Disyembre matapos ang halos limang taon na pagsasara mula 2020 para protektahan ang kanilang bansa mula sa Covid-19 pandemic.

Bubukasan din sa mga turismo ang Samjiyon at posibleng ang ibang tourist spot ng North Korea.

Ang Samjiyon ay malapit sa bundok na northern border ng North Korea sa China. Isa itong gateway city papuntang Mt. Paektu kung saan umano isinilang ang yumaong Supreme leader na si King Jong IL, ama ni North Korea leader Kim Jong Un.

Mababatid na limitado lang noon ang tinatanggap ng North Korea na turista kung saan  5,000 western tourist ang bumisita kada taon.