DENR, iinimbestigahan na ang pagdakma sa dalawang Tarsier ng dalawang content creator

Iniimbestigahan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) SOCCSKSARGEN ang paghuli sa dalawang tarsier ng dalawang lalaki sa isang viral video.

Sa viral video, makikitang kinuha ng vlogger ang dalawang tarsier na nananahimik sa kawayan.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Maririnig pang nagtatawanan ang dalawang lalaki habang buhat at ipinapakita sa camera ang mga tarsier.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Depensa naman ng isa sa mga dumakama sa tarsier na inilipat lang nila ang tarsier dahil nililinis lang nila ang area ng farm kung saan nakita ang naturang hayop.