Konsultasyon para sa planong pagtataas ng pamasahe sa tricycle sa Olongapo, uumpisahan na

Nagpatawag na ng unang public consultation ang Committee on Transportation ng Olongapo City Council.

Ito ay para pag-usapan ang tungkol sa planong pagbabago sa pamasahe sa tricycle sa Olongapo.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Base sa imbitasyon galing sa komite, April 16, alas dos ng hapon gagawin sa city hall ang dayalogo.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Kabilang sa mga inimbitahan ang transport group, executive offices, mga opisyal ng barangay at mga mananakay.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO