Dalawang taong gulang na bata, patay matapos maatrasan ng minamaniobrang jeep ng kanyang tatay sa Mauban, Quezon

Patay ang isang dalawang taong gulang na bata matapos itong aksidenteng maatrasan ng ginagawang jeep ng kanyang tatay sa Barangay Liwayway, Mauban, Quezon nitong Linggo, Abril 16.

Ayon sa report, bandang alas 4:00 ng hapon, nagmamaniobra umano ng jeep ang ama ng biktima ng biglang tumakbo ang bata patungo sa sasakyan kung saan ay doon na ito naatrasan.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Read More:  Two Davao Mighty Steel workers test positive for high radiation exposure, NBI says

Samantala, tumanggi naman na ang ina ng biktima na magsampa ng kaso laban sa naturang ama nito.