Dagdag na mga pasilidad para sa mga magsasaka, ilulunsad sa 1st Bicolano Farmers Festival and Agri-Summit

CAMARINES SUR- Ilulunsad ngayong araw ang tatlong dagdag na mga pasilidad para sa mga magsasaka sa 1st Bicolano Farmers Festival and Agri-Summit sa loob ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) kaugnay sa selebrasyon ng farmers month.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni CBSUA President, Dr. Alberto Naperi, DPA, na hindi lang mga mag-aaral ang manginginabang sa mga pasilidad na nasa loob ng unibersidad, maging ang mga magsasaka at out of school youth sa Camarines Sur. Anya, malaking tulong ang mga idadagdag na pasilidad hindi lang sa pagpaparami ng produksyon ng mga agricultural products maging sa pagtugon sa mga kinakailangang sustainable programs.

Ilan sa mga ilulunsad na mga pasilidad ay ang Agriville and Leraning Hub, Farmer’s Bayanihan and Trading Center at Agribusiness Incubation Center. Dadaluhan rin ang nasabing aktibidad nina Department of Tourism Secretary Cristina Frasco at Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *