TV host na si Vice Ganda, pinuri ng PCG sa kanyang “Piliin mo ang Pilipinas” tiktok video

Pinuri ng Philippine Coast Guard ang celebrity television host na si Vice Ganda para sa pagbibigay-kaalaman sa socially relevant issues, partikular sa umiigting na Chinese intrusions sa West Philippine Sea.

Base sa “Piliin mo ang Pilipinas” tiktok video ni Vice , ipinakita niya rito ang ilang mga isyung panlipunan kabilang ang naging pambobomba ng China Coast Guard sa sasakyang pandagat ng Pilipinas dahil sa isyu ng WPS.

Sa kanyang X account, sinabi ni PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela, Kahit mahirap ipaglaban ang Pilipinas, umaasa siyang magiging inspirasyon ang video ni Vice upang mapagtanto ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagpili sa Pilipinas.

Iginiit din niya na ang West Philippine Sea ay parte ng Pilipinas.

Dapat aniyang piliin na tindigan ito para sa susunod na lagi ng kabataang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *