DA: Bigas – matatapyasan ng hanggang P7/kilo dahil sa pagpapababa sa taripa sa imported rice

Posible raw maramdaman sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto ang pagbaba ng presyo ng bigas.

Ito ay kasunod ng hakbang ng pamahalaan na ibaba ang rice tariff rates sa 15% sa mga imported rice.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, maaaring P6 hanggang P7 ang maging tapyas sa presyo ng kada-kilo ng bigas.

Tiniyak din ni De Mesa na binabantayan nito ang presyo ng naturang agri-product sa mga pamilihan.

Sa huli, nanindigan ang DA na hindi maaapektuhan ng tariff cut ang mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *