Mambabatas – aapelang ibalik sa plenaryo ang nakalusot na Divorce Bill sa Kamara

Pinag-iisipan umano ni SAGIP party-list Cong. Rodante Marcoleta na idulog kay House Speaker Martin Romualdez na repasuhin muli ang Divorce Bill.

Aniya, nais niyang isalang muli ito sa plenaryo upang maalis ang duda hinggil dito.

Kung 131 daw kasi ang bumoto ng “yes” dito; 109 ang nag-“no;” at 20 naman ang nag-“abstain,” may higit-kumulang 30 na hindi nag-participate.

Dahil dito, iniisip ni Marcoleta na pag-aralan muli ang panukala dahil baka hindi talaga nakita ang mga bumoto ng “yes.”

Binigyang-diin din nito ang unusual na dami ng bilang ng mga nag-abstain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *