Infectious disease expert – naniniwalang ‘di pa dapat mag-panic sa nakapasok na FLiRT variant sa bansa

Binigyang-diin ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na ang nakapasok na FLiRT variant sa bansa ay low public health risk.

Hindi raw ito katulad ng mga nagdaang malalakas na variant ng COVID-19 gaya ng Delta at Alpha variants na nagdudulot ng severe cases ng naturang sakit.

Kasabay nito, ipinaalala ni Solante sa publiko na huwag mag-panic.

Sa kabila niyan, dapat pa rin daw magdoble-ingat ng mga nasa vulnerable sectors, mga matatanda, at mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *