Comelec-Sorsogon nakapagtala ng mataas na turn out sa loob ng halos tatlong linggong voter registration

SORSOGON CITY—Nakapagtala ng mataas na turn out ng mga botanteng nagparehistro ang Comelec Sorsogon sa loob ng halos tatlong linggo.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Comelec Officer Atty. Calixto Aquino Jr. sa panayam ng Brigada News FM Sosogon.

Ayon dito, sa katunayan umano ay umabot na sa 3,359 ang bilang ng mga nagparehistro sa unang distrito ng lalawigan habang sa 2nd District naman ay umabot na sa 3,292.

Samantala, sinabi ng opisyal na mas mataas na bilang pa ang kanilang inaasahan sa huling mga araw ng registration kung saan kanya ding binanggit na bagama’t wala namang itinakdang target ang Comelec kung ilan ang dapat nilang mairehistro ay objective umano nila na maiparehistro lahat ng mga nasa tamang edad na.

Mababatid na ang voter registration na isinasagawa ng Comelec ay para sa mga kabataan na nag-eedad 15 hanggang 17 taong gulang bilang bahagi ng paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at ito ay nagsimula noong Hulyo 4 at magtatapos bukas Hulyo 23.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *