PSA planong maglabas ng printable digital ID habang tinatapos ang printing ng mga Philsys ID cards

SORSOGON CITY—Inihayag ni Chief Statistician Elvira Apogñol ng Philippine Statistics Authority (PSA) Sorsogon na planong ilunsad ng kanilang central office ang paglalabas ng printable digital ID para sa mga indibidwal na hindi pa nakakatanggap ng kanilang Philsys ID cards.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon inihayag ni Apogñol na sa ngayon ay nagpapatuloy ang pag develop sa digital ID na ito at planong mailunsad sa huling quarter ng taong kasalukuyan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ito anya ay maaaring magamit pansamantala ng mga mamamayan habang wala pa ang kanilang national ID.

Pwede itong maaccess sa android phone at iprint sa papel at bahala na rin umano ang mga mamamayan kung gusto nilang ipa-laminate.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pero nilinaw ni Apogñol na ang mabibigyan lamang nito ay ang mga indibidwal na na-generate na ang Philsys number dahil ito rin mismo ang ilalagay sa ilalabas na printable digital ID.

Ang number na ito ay unique at siyang gagamitin ng isang indibidwal habang buhay.###