Comelec all set na para sa pagsisimula ng paghahain ng COC sa Biyernes

CAMARINES NORTE- All set na ang Commission on Elections para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) simula bukas, October 1 na tatagal hanggang October 8.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau, pinaalalahanan nito ang mga maghahain ng COC na hindi tatanggapin kapag hindi kumpleto ang mga detalyeng dapat nakalagay dito.

Alinsunod umano sa Section 24 ng Comelec Resolution No 10717, itinuturing na “incomplete” ang COC kapag walang picture na passport size ID, hindi kumpleto ang nakalagay na address, walang pirma ng aspirant, hindi notaryado at walang pirma ang notary public, walang documentary stamp at hindi completely filled out ang COC.

Dapat din umanong kasabay nang isumite ang certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng kandidato.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Kapag hindi umano isinama ang CONA sa mga isinumite ay ituturing umano ng Comelec ang isang kandidato na “independent”.

“Kasi pag hindi mo sinabay yung CONA na kung anong political party mo na nagbigay sayo nun, lalabas kang independent candidate,” ani Abanes.

Kailangan din umanong mayroong documentary stamp na ilalagay sa unang kopya at sa mga susunod na kopya naman ay maaaring isulat na lang ang serial number kung hindi malalagyan lahat.

Limang kopya ng COC ang hinihingi ng Comelec pero mas mainam daw kung mayroong extra copy.

“Ang kailangan ng COC ng Comelec Office ay 5 copies, lahat yan original pero ina- advise na namin na dagdagan na yung kopya kasi yung mag nonotaryo makuha ng kopya, political party nila mahingi ng kopya, pag nanalo sila mahingi yung treasurer’s office tapos personal file nila para sa DILG kaya more or less pinaka safe na yung may extra sila.”

Read More:  Father, son killed in Cebu stabbing while sleeping; mother injured

Hindi rin papayagan ang maraming kasama sa loob ng mga maghahain ng COC at mahigpit na ipapatupad ang health protocols.

Kung kakailanganin ay maaari rin namang maghanap ang Comelec ng mas malaking venue para masigurong masusunod ang social distancing.

Samantala, dumagsa naman kahapon ang mga naghahabol sa deadline ng voter registration na dapat sana ay magtatapos ngayong araw.

Pero pinalawig ito ng Comelec mula October 11- 30 sa gitna na rin ng kaliwa’t kanang panawagan mula sa iba’t- ibang sector.