DTI at LGU magkatuwang na namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mahigit 20 benepisyaryo sa bayan ng Capalonga

CAMARINES NORTE- Magkatuwang na namahagi ng tulong pangkabuhayan ang Department of Trade and Industry (DTI) at Lokal na Pamahalaan sa mahigit 20 microenterprises sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Sa ilalim ito ng Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB).

Namahagi ng mga tool kits at nagsagawa din ng maikling training upang mas mapalago nila ang negosyo ng mga benepisyaryo.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Naniniwala ang LGU na mas malawak  na ang naabot ng tulong sa pagpapaunlad ng maliliit na negosyo sa naturang  bayan sa pakikipagtulungan sa DTI.

Ang LSP- NSB ay isang programa ng DTI na layong mailapit sa mga tao ang serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ahensiya at LGU’s na magbibigay daan sa mas malawak na maabot ng business development assistance.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Kabilang sa programa  ay ang individual package ng livelihood kits na makakatulong sa apektadong indibidwal na maibalik at mapalago pa ang kanilang negosyo sa panahon ng kalamidad at lalu na ngayong nahaharap ang lahat sa krisis na dulot ng COVID- 19.

(photo: New LGU Capalonga FB page)