Bilang ng mga nakakapagparehistro sa National ID sa Camarines Norte umabot na sa 230, 864

Umaabot na sa 230, 864 ang bilang ng mga nakapagparehistro sa Philippine Identification System o PhilSys sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) hanggang nitong September 28, 2021.

Maaari na ring mag online booking appointment ang mga residente sa mga bayan ng Basud, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena at Vinzons.

Sa mga residente sa nabanggit na bayan ay hinihimok na mag register  online o mag log- in gamit ang mobile number o email address sa https://register.philsys.gov.ph para makapag-book ng appointment.

Ang pinakamaagang schedule ng appointment ay sa October 5, 2021.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Sa pakikipag ugnayan ng Brigada News FM Daet kay PhilSys Focal Person Mary Jane Laviña, inihayag nito na magkakaroon na rin ng registration center sa SM City Daet pero wala pang tiyak na petsa.

Depende rin kasi ito sa Provincial Incident Management Team kung papayagan nang lumabas ang mga 17 taong gulang pababa.

Batay kasi sa umiiral na panuntunan ng IMT, ipinagbabawal pa rin ang paglabas ng mga 17 taong gulang pababa sa harap na rin ng patuloy na banta ng COVID- 19.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Una na kasing plano ng PSA na isabay ang pagkakaroon ng registration sa naturang mall sa grand opening nito sa October 15.

Narito ang kabuuang bilang ng mga nakapagparehistro sa PhilSys sa 12 bayan:

Basud                       16, 834     Labo                         44, 155

Capalonga                 16, 160              Mercedes                  16, 998

Daet                         37, 038               Paracale                    19, 488

San Lorenzo Ruiz       10, 351              San Vicente                8, 143

Jose Panganiban        17, 937              Sta Elena                   18, 073

Talisay                       9, 336       Vinzons                      16, 351