Nakamonitor ang Commission on Human Rights sa sitwasyon ng nakakulong na community doctor na si Maria Natividad Castro kasunod ng pagkakaaresto nito dahil sa umano’y kidnapping matapos akusahan mataas na lider ng CPP-NPA.
Ayon kay CHR chairperson Leah Armamento sisilipin ng komisyon kung ang mga pamamaraan ng pulisya ay nasunod nang maayos sa panahon ng pag-aresto kay Castro.
Handa umanong magsampa ng mga kasong administratibo o kriminal kapag mapatunayan nilang hindi sinunud ng mga pulis ang tamang proseso sa pag-aresto.
Magugunitang inaresto ng pulisya ang 53-anyos na doktor sa San Juan City noong Biyernes dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa rehiyon ng Caraga.
Si Castro ay secretary general ng rights group na Karapatan sa naturang rehiyon.