AFP pinawi ang pangamba ng publiko kaugnay sa ‘terror threat’ na dulot ng Hamas

Pinawi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangamba ng publiko sa umano’y posibleng paghahasik ng karahasan ng international terrorist group na Hamas dito sa Pilipinas.

Ito ay matapos ihayag ng Phiilippine National Police na nagkaroon ng pagtatangka noon ang grupo para magsagawa ng mga pag-atake sa bansa subalit kanila itong napagilan.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino mahigpit ang ugnayan ng AFP at PNP para mabantayan ang aktibidad ng Palestinian Terror Group na Hamas sa Pilipinas.

Binigyan diin ni Centino hindi naman sila tumitigil sa pagbabantay at sa katunayan ay wala naman silang nakikitang anumang banta sa seguridad sa ngayon.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sa ngayon sinabi ng AFP Chief na nakatuon ang kanilang atensyon sa papalapit na halalan at pagpulbos sa CPP-NPA-NDF batay na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.