Pediatric vaccination sa edad 5-11 anyos sa Legazpi City, nagsimula na

LEGAZPI CITY – Nagsimula na ngayong araw pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang sa Legazpi City.

Ayon kay City Health Officer Dr. Fullbert Gillego ng Legazpi, target nilang bakunahan ngayong araw ang aabot sa 200 pediatric dahil ito pa lamang ang mga nakapagparehistro.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Sa ngayon, nasa 900 covid-19 vaccine ang available sa lahat ng priority group kabilang na rito ang pediatric.

Dagdag pa nito, bago mabakunahan ang isang pediatric ay kinakailangan muna magparehistro at maaaring tingnan ang proseso sa pagpaparehistro sa Fb account ng alkalde ng Legazpi o FB page ng CDRRMO.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Sinabi ng opisyal, ang unang araw ng pagbabakuna sa pediatric gagawin muna sa legazpi City Convention Center (LC3).